Singer-actor, writer din ng sariling PR

Filed under Blind Item, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

PINAG-UUSAPAN ng ilang katoto ang singer-actor na kapag may gustong ipasulat tungkol sa sarili ay nagpapadala sa media ng press releases na siya mismo ang sumulat.

“Nakakatuwa si (singer-actor), kasi hindi ka na mamumroblemang mag-isip kung ano ang isusulat mo, kasi siya na mismo ang magsusulat ng gusto niyang ipasulat. Isasalpak mo na lang, copy-paste, ganern!” sabi sa amin ng isang katoto.

Hirit naman ng isang editor: “Siyempre ie-edit mo rin, kasi may mga maling gamit din ng words. So, ganu’n pala talaga siya, marami siyang binibigyan ng praise release niya?”

Hala, kami rin ay nagulat, dahil inakala namin na dalawa lang sa mga katoto ang kinakausap ni singer-actor para sa kanyang press releases, marami-rami na pala.

“Oo naman, kung mapapansin mo, iba-iba nagsusulat sa kanya, so alam mo na. Kasi kung parating ‘yung reporter na ‘yun, halata. Kasi ang pinalalabas niya wala siyang alam sa mga nasulat, pero kumpleto ang detalye,” kuwento pa ng isa na sinundan ng tawa.

“At heto pa, medyo demanding pa, kasi gusto banner story. Ayaw ng maliit lang ang titulo. Aliw, ‘di ba?” sabi ulit ng editor.

Sabay-sabay naman ang mga katoto sa pagsasabi: “In fairness, marunong naman siya (singer-actor) magpasalamat talaga.”

In fairness din naman sa singer-actor, mabait at magalang naman talaga siya, kaya isusulat mo rin naman talaga siya. ‘Yun nga lang, hindi na siya sisikat to the max, tulad ng ibang singers na kaliwa’t kanan ang shows sa Pilipinas at sa ibang bansa.

-Reggee Bonoan