Sabong stars sa WSC ngayon

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

LIBO-LIBONG sabong aficionado ang tiyak na pipila sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum sa pagbubukas ng 2019 World Slasher Cup 2 Invitational 9 -Cock Derby ngayon.

May 100 local at international sabong stars ang aakyat sa ruweda para sa 2 -cock elimination round ngayon at panibagong 100 bukas.

Itinataguyod ang tinaguriang ‘Olympic of Sabong’ ng Pitgames Media Inc.,Thunderbird, Emperador, TV5’s “All New Tukaan”, ABS-CBN Action + Sports, “Sagupaan,” “Sabong Nation”, “Sabong Pilipinas”, “Bakbakan Na TV”, at The Sabong Chronicles.

Isusunod ang 3 -cock semifinals sa May 29 at 30.

Sa mga iiskor ng 2, 2.5, 3 at 3.5 puntos, sa Mayo 31 ang 4 -cock finals habang ang mga magtatala ng 4, 4.5 at 5 points ay sa June 2 (4 -cock grand finals).

Ang WSC 2 na may mahirap na format ay susubok kahit sa mga beterano, ani Pitgames Media Inc. CEO Manny Berbano, na sasali rin kasama si Doc Ayong Lorenzo.

Liyamado ang mga WSC champs gaya nina sabong idol Patrick Antonio, Frank Berin, vice mayor Jubee Navarro, Rey Briones, Nene Araneta, Peping Ricafort, Joey Sy, Noel Jarin, Dicky Lim, Biboy Enriquez, Ito Ynares, Anthony Lim, Vergil Intino, Lawrence Wacnang, Art de Castro, Magno Lim, Ed Apari, Honey Yu, Joey delos Santos at Rikki Reyes.
Manunurpresa ang mga sumisikat na sultador:Rey Canedo, Cris Sioson, James Uy, Mel Lim, Roel Gatchalian, Marc Cruz, Kenneth Liao, Gerry Escalona, Marvin Perez, Rey Morla, Jojo Gatlabayan, Jess Moradas, Atty. Arcal Astorga, Wilvin Sy, Alwynn Sy, Ramil Capistrano, Julio Vinluan, Rene Adao, Boody Buenaventura, Ed Ochoa, Rep. Gerry Espina at lady cockers Robie Yu at Osang dela Cruz.

Para sa ibang detalye, makipag-ugnayan sa 588-4000 local 8227, o 911-2928.