Palaban ang Kasilawan Taekwondo Club

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

HANDA si coach Gani Domingo na maitaas pa ang antas ng husay at galing ng mga batang taekwondo players na bumubuo ng Kasilawan Taekwondo Club ng Makati City, kasabay ang paghahangad na makasikwat ang mga alaga ng slots sa National team na isasabak sa 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre.

IBINIDA nina sports ‘Godfather’ Carlos Batalla (dulong kaliwa), dating Board member ng Camarines Sur at coach Gani Domingo (dulong kanan) ang mga ‘elite member’ ng Kasilawan Taekwondo Club of Makati City sa kanilang pagbisita sa TOPS ‘Usapang Sports’ sa National Press Club.

IBINIDA nina sports ‘Godfather’ Carlos Batalla (dulong kaliwa), dating Board member ng Camarines Sur at coach Gani Domingo (dulong kanan) ang mga ‘elite member’ ng Kasilawan Taekwondo Club of Makati City sa kanilang pagbisita sa TOPS ‘Usapang Sports’ sa National Press Club.

Ayon kay Domingo, determinado ang kanyang mga alaga, sa pangunguna nina Kristiana Catalina Tiu, gold medalist sa Asian Taekwondo Federation at Carlos Palanca Jr. Taekwondo Championships; Justin Agno, gold medalist sa ATF at CPJ; Aldrich Vincent Paul Merin, gold medalist sa CPJ at sa Batang Pinoy; Charles Benjamin Gavan, gold medalist sa NCR meet; Victor Rodriguez, gold medalist sa NCR; at Tatiana Batalla, gold medalist sa Smart New Face; Patrick Odrada, silver medalist sa CPJ; Rafael Ongkiko, silver medalist sa ATF at NCR meet; Marco Julio Tiu, silver medalist sa CPJ; Serena Batalla, silver medalist sa WNCAA; at Diana Supangan, silver medalist sa NCR.

Handa ring sumagupa sina Lavaine Ashanty Valeroso, bronze medalist sa CPJ; Pearl Angeline Torrico, bronze medalist sa Batang Pinoy at NCR, Lex Provido, bronze medalist sa CPJ; at Kenji Uchida, bronze medalist sa CPJ na pawang nagsasakripisyo sa ensayo para maabot ang minimithing pangarap na maiatas ang kalidad ng kanilang talento.

Ikinalugod ni Domingo na nagbunga ang mahabang panahon nilang pagsasanay bunsod ng pagkakakuha ng scholarship ng kanyang mga players sa iba’t ibang eskwelahan kabilang ang Ateneo at La Salle, gayundin ang patuloy na suporta ni dating Camarines Sur Board Member Carlos Batalla.

“Si Sir Carlos (Batalla) po ang aming ‘Godfather’ . Yung suporta po niya ay talagang naging daan para mas maging kompetitibo ang aming mga atleta sa Kasilawan. Taos-puso po ang aming pasasalamat,” pahayag ni Domingo sa kanyang pagbisita sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa pagtataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), PAGCOR, NPC, Community Basketball Association (CBA) at HG Guyabano Tea Leaf Drinks ni Mike Atayde.