NorthPort at TNT, asam makadoblado

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

4:30 n.h. — Northport vs NLEX

6:45 n.h. — TNT vs Alaska

TARGET ng Northport at TNT na masundan ang opening match win sa pagbabalik aksiyon sa pagpapatuloy ng 2019 PBA Commissioners Cup elimination ngayon sa Araneta Coliseum.

Kapwa nalagpasan ng Batang Pier at Katropa ang unang pagsubok sa foreign-laden conference.

Mauunang mapapalaban ang tropa ni coach Pido Jarencio na nagwagi sa kanilang unang laro kontra Alaska Aces nitong Miyerkules, 103-81, sa Ynares Sports Center sa Antipolo ganap na 4:30 ng hapon kontra NLEX.

Makakatapat naman ng Katropa ang Aces sa tampok na laban ganap na 6:45 ng gabi.

Tinalo ng Katropa s a una nilang laro nito ring Miyerkules ang Road Warriors, 102-87, habang manggagaling naman ang Aces sa kabiguan sa kamay ng Northport matapos magwagi sa kanilang laban sa opening day kontra Meralco Bolts.

Sasandal si coach Alex Compton sa kanyang import na si Terrence Jonee, kumana ng 41 puntos, 14 rebounds, apat na assists at dalawang blocks.

Ngunit, sa kabila ng impresibong debut, aminado ang 27-anyos na produkto ng University of Kentucky na marami pa siyang dapat ayusin sa kanyang laro, isa na rito ang kanyang freethrows kung saan sya nagtala ng 8-of-19 na shooting kontra NLEX.

“I’m not perfect, I got a lot to work on. I got a lot to communicate with my teammates, and just keep getting better each game,” ani Jones.

Samantala s a unang l a r o , magiging malaking hamon para kay NLEX import Curtis Washington na pamunuang ibangon ang koponan lalo pa’t isang defense specialist na import ang makakatapat nya sa katauhan ni Prince Ibeh ng Northport.

-Marivic Awitan