Direk Quark at Bianca, ikakasal ngayon

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NGAYONG araw ang kasal sa Bali, Indonesia ng Globe executive at direktor na si Quark Henares sa kanyang girlfriend na si Bianca Yuzon, isang singer-songwriter-composer-ramp model na based in London.

Direk Quark at Bianca copy

Matatandaang Abril 2018 nang mag-propose si Direk Quark kay Bianca, na idinaan sa shooting ng music video.

Nasulat namin noon dito sa BALITA na kaya sa Bali ang venue ng kasal nina Direk Quark at Bianca ay dahil mas makatitipid daw sila.

“Oo, mas tipid talaga ‘pag sa ibang bansa, kasi kung sino lang ‘yung gustong pumunta, unlike ‘pag dito (sa Pilipinas) marami,” katwiran ng groom.

Nitong Mayo 20 ay inilabas nina Direk Quark at Bianca ang kanilang prenup photos, na kakaiba, dahil ang concept nila ay tungkol sa pagkain.

Capt ion ng pr enup photos : “Wedding’s only a few days away, and I can’t wait to get married to @ biancayuzon! Instead of having the usual habulan sa basic beach (hehehe) prenup photo shoots, we decided to work with our dearest and most talented friends to see how they see us.

“And so let’s start this series with THE @mignac_ .Renowned food and travel photographer Miguel Nacianceno has been a good friend since college and an even better friend after. Eternal movie buddy, our barkada’s human Yelp and especially fun on Sangria, Miguel’s infectious glee shines through in this photo set.

“Making the shoot even more special is the art direction of our dear friend Sharon See (@ibugyellow), who I’ve worked with in tons of music videos and My Candidate. Right after the shoot she joined a fitness competition and got to the top ten. Beast. #qbecome1”

Dalawang araw bago ang kasal ay muling naglabas ng prenup photos ang proud na direktor.

“More Prenups (always a weird name for engagement photos lol). This second series is by a friend who came later in life but whom we love to bits. Someone I shared so many groups with over the years; the Saguijo scene, Geek Fight, Singles of Manila, Friday Seems Forever and The Monday Night’s Watch — @casasphotos.

“A photographer and producer, Casas infuses the everyday with dread in this noir-inspired shoot. Styled by the girl who knows everything, the beautiful and hilarious @beaconstantino, with make- up by one of the most lovable people in the world— @ampadilla.

“Oh, and it must be pointed out that this was the only shoot we did at my apartment, which was designed by @ heiminteriors. It’s a family affair.”

Base sa mga litrato ng dalawa ay ki tang-ki tang magkasundo sina Direk Quark at Bianca.

“Sakay niya kasi ang kabaliwan ko, pareho kami,” sabi sa amin noon ni Direk Quark tungkol kay Bianca.

Mula sa BALITA, congratulations at best wishes kina Mr. & Mrs. Quark Henares.

-Reggee Bonoan