Aminin kaya ni Janella si Markus?

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

SA presscon kamakailan ng Star Magic Circle 2019, isa-isang tinanong ang mga lalaki kung sino ang gusto nilang maka-love team.

Janella

Gayunman, taken na ang karamihan sa mga binanggit nina Glen Vargas, RA Lewis, Javi Benitez, Anthony Jennings, JC Alcantara, Jeremiah Lesbo, at Kyle Echarri, gaya nina Kathryn Bernardo at Liza Soberano.

Bukod-tanging si Kendru Garcia ang nagbanggit kay Janella Salvador, dahil hindi pa raw taken ang young actress.

Oo nga, open book naman kasi na hiwalay na sina Janella at Elmo Magalona, pero ang hindi pa alam ng publiko ay may bagong boyfriend ngayon ang singer-actress, na hindi pa niya nire-reveal.

Katwiran naman sa amin ng taga-ABS-CBN: “Eh, wala namang nagtatanong kay Janella. Try mo tanungin baka sumagot.”

Oo nga, tama naman din. Hindi ko pa lang siya nakikita kasi. Ano nga ba ang next project ni Janella?

Anyway, trulili ba na sila na ni Markus Patterson?

-Reggee Bonoan