Anak ng Tondo chairman, huli sa P350k shabu, boga

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Inaresto ng mga tauhan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang anak ng barangay chaiman sa Maynila, sa buy-bust operation sa Molave Street, sa Tondo, Maynila, ngayong Biyernes.

TONDO_ONLINE

Kinilala ang suspek na si Benedict Cortez, ng Barangay 228, Tondo, Maynila, anak ni barangay captain Ricardo Cortez, na ang pangalan ay kabilang sa narco-list.

Nasamsam sa nakababatang Cortez ang 50 gramo ng umano’y shabu, na nagkakahalaga ng P350,000; drug paraphernalia; 12-gauge shotgun riffle; at 48 bala ng .40 caliber.

Mahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition).

-Fer Taboy at Mary Ann Santiago