Ogie at Janno, may ‘GoT’ meme entry

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NAKAKATAWA ang ipinost ni Ogie Alcasid sa Instagram (IG) na photo nila ni Janno Gibbs kung saan ginaya nila ang Game of Thrones. Ang caption ni Ogie, “Hope you enjoyed our finale! #GOT.”

Janno at Ogie copy

Tuwang-tuwa ang followers ni Ogie sa kanyang post na ni-repost naman ni Regine Velasquez, at caption niya, “So hindi pa ako naka-move on, kaya lang hindi ko alam kung sino ginagaya niya parang maliit na taong bayan lang.”

Dahil sa photo na ito, kinalampag na naman ng netizens ang ABS-CBN para bigyan ng sitcom sina Ogie at Janno. Tanong din nila, bakit hindi natuloy ang plano ng Kapamilya Network na bigyan ng sitcom sina Ogie at Regine?

Hindi lang maiwasan na may nakornihan sa post nina Ogie at Regine. Hayaan na lang sila. Ang importante, mas marami ang natawa at sumaya.

-Nitz Miralles