Nagbabalik na aktres, bibigyan agad ng show

Filed under Blind Item, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

HINDI muna namin pangangalanan ang nagbabalik na aktres dahil wala pang go signal ang bago na niyang talent agency, na sa tagal na panahon ay co-manage siya ng nanay niya na may impluwensiya rin sa showbiz.

Naikuwento sa amin ng kilalang talent manager na lumapit sa kanya ang nagbabalik na aktres dahil gusto na nitong maging aktibo ulit sa telebisyon at pelikula, dahil ilang taon din siyang hindi napapanood dahil parati siyang nasa ibang bansa.

Ayon sa talent manager, “actually nu’ng nagsabi siyang gusto niyang magpa-manage sa amin, nag-isip ako kung ano pa ang puwede kong ibigay o itulong sa kanya kasi she’s been here (showbiz) for a long period of time. Pinakinggan ko naman lahat ng kuwento niya, lahat ng nangyari.

“Sabi ko sa kanya (nagbabalik na aktres) titingnan ko kung anong magagawa ko sa’yo, let’s wait and see.

“Tapos nu’ng nagkaroon ako ng meeting with one of the business unit head, I told him na she’s (nagbabalik na aktres) with us na at nakita ko naman ‘yung excitement nila and sabi nga, ‘tulungan natin.’

“Then after several days, tumawag sa akin na may possible project nga for her (nagbabalik na aktres), kaya sinabi ko magkakaroon siya ng project soon. Natuwa naman siya.

“Actually ang rami niyang kuwento nu’ng kausap ko siya at talagang naawa ako kasi hindi ko ini-expect na ganu’n kahirap ang nangyari noon sa kanya nu’ng may show pa siya tapos nawala siya.

“So for now, wait muna namin ‘yung project tapos saka na siguro ‘yung big announcement.”

Oo nga, ilang taong nawala sa sirkulasyon ang nagbabalik na aktres dahil parang mas nag-enjoy siyang bumiyahe sa iba’t ibang parte ng mundo o baka naman kasi may mga raket din naman siya roon.

At higit sa lahat, baka rin kasi in-love siya noon, hindi lang kami sigurado ngayon kung sila pa rin ng boyfriend niya.

Anyway, tinanong namin sa kausap naming talent manager kung solo niya ang pagma-manage sa nagbabalik na aktres.

“Oo. ‘Yun naman din ang usapan namin,” sabi sa amin ng talent manager.

-REGGEE BONOAN