La Salle, nakaisa sa Fr. Martin Cup

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

NAITALA ng De La Salle ang unang panalo, habang kumana ang National University sa magkahiwalay na laro laban sa Adamson University sa Women’s division ng 25th Fr. Martin’s Cup Summer League sa San Beda Gymnasium sa Manila.

Itinataguyod ang liga ng Resorts World Manila, Bedans 62-66, at Cocolife.

Nadomina ng Lady Archers ang Lady Falcons-Team B, 78-57, habang nanaig ang NU Bulldogs sa Team A, 81-70.

Nagsalansan si Rhena Itesi ng 21 puntos, habang tumipa si Kaye Pingol ng 17 puntos para sa Lady Bulldogs, at makabawi ang kabiguang natamo sa Team-A ng Adamson.

Kumasa si Kent Pastrana ng 14 puntis sa La Salle, habang kumabig si Chrisnalyn Padilla ng 13 puntos.