Go For Gold-Benilde, sumabit sa playoff

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

DINUROG ng Go for Gold-CSB ang McDavid, 119-101, nitong Martes para makasungkit ng playoff spot sa 2019 PBA D-League sa JCSGO Gym sa Cubao.

Pinagtulungan nina Clement Leutcheu at Edward Dixon ang ratsada ng Scratchers sa kaagahan ng laro para makuha ang 37-21 bentahe. Nahila ng Go For Gold ang abante sa 31 puntos sa second half.

“We’re happy we made it to the quarterfinals,” sambit ni coach Charles Tiu. Hataw si Leutcheu na may 19 puntos, siyam na rebounds, tatlong assists, at tatlong steals, habang kumana si Dixon ng 16 puntos. Nag-ambag sina Roosevelt Adams ng 13 puntos at 10 rebounds, hahang kumana si Justin Gutang ng 12 puntos, anim na assists, at tatlong boards para sa 6-3 karta sa Aspirants Group.

Laglag ang McDavid na may 1-8 marka.

Nanguna si Jason Melano sa McDavid na may 26 puntos at pitong rebounds, at tumipa si Jerwin Gaco ng 20 puntos.

Naungusan naman ng Che’Lu ang Family Mart-Enderun, 77-72, para buhayin ang kampanya sa playoffs.

Marivic Awitan

Iskor:

(Unang Laro)

CHE’LU (77) — Batino 14, Viernes 13, Suerte 13, Bautista 10, Dagangon 9, Collado 7, Dumapig 4, Taganas 3, Manalang 2, Siruma 2, Gabo 0, Bringas 0, Ng 0.

FAMILY MART-ENDERUN (72) — Chauca 18, Gotladera 17, Hayes 13, Escoto 9, Kuoakou 3, Nunez 3, Gatdula 3, Dungan 3, Vidal 2, Sacundo 1, Tancioco 0, Dela Cruz 0.

Quarters: 12-22, 38-42, 54-62, 77-72.

(Ikalawang Laro)

GO FOR GOLD-CSB (119) — Leutcheu 19, Dixon 16, Adams 13, Gutang 12, Pangalangan 11, Carlos 11, Pasturan 11, Haruna 7, Nayve 6, Velasco 5, Naboa 4, Young 2, Lim 2, Belgica 0.

MCDAVID (101) — Melano 26, Gaco 20, Sorela 18, Arboleda 11, Koga 10, Gonzales 6, Monte 3, Caranguian 3, Colina 2, Medina 2, Lozada 0, Canada 0, Ja. Villanueva 0, Pena 0.

Quarters: 37-23, 68-46, 95-69, 119-101.