Gawad Kalasag winners sa Central Luzon, kinilala

Filed under Opinyon Balita RSS RSS Feed

PINANGALANAN na ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) kamakailan ang makatatanggap ng 2019 Gawad Kalasag awards sa Central Luzon bilang pagkilala sa kanilang mahalagang ambag sa mga programa at inisyatibong nakatuon sa disaster risk reduction and management ng rehiyon.

Ayon kay Marlou L. Salazar, regional director ng Office of Civil Defense (OCD) at tagapangulo ng RDRRMC, pinili ang mga magwawagi ngayong taon mula sa 81 kalahok sa rehiyon. Sa anim na sunod na taon, nananatiling ang Pampanga Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ang patulin ang emerged as winner in the provincial category level.

Habang kabilang din sa iba pang pararangalan ang Angeles City DRRMC para sa highly-urbanized city category; City of San Fernando DRRMC sa Pampanga para sa component city category; at Baler DRRMC ng Aurora province para sa 1st-3rd class municipality category.

Pasok din sa gagawaran ang Barangay Pagas sa Cabanatuan City, para sa urban barangay category sa hindi matatawarang paghahanda nito sa panahon ng kalamidad at trahedya.

Makakatanggap din ng pagkilala ang Bulacan Rescue at Tactical Operations Group 3 ng Philippine Air Force para sa dedikasyon nito sa pagprotekta at pagliligtas ng buhay ng mga tao sa komunidad sa panahon ng kalamidad.

Samantala, pasok naman sa mga institusyong nagwagi ang Alas Asin Elementary School sa Mariveles, Bataan; Camp Tinio National High School sa Cabanatuan City, Nueva Ecija; Sindalan National Child Development Center sa City of San Fernando, Pampanga; Tarlac Agricultural University; Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center sa Cabanatuan City, Nueva Ecija; Mariveles Mental Hospital sa Bataan; at James Gordon Memorial Hospital sa Olongapo City.

Umaasa naman si Salazar na higit pang makahihikayat ang Gawad Kalasag sa ,mas maraming local government units (LGUs), grupo at mga indibidwal upang manguna at manatili sa pagbuo ng isang ligtas, climate change adaptive at resilient na Central Luzon.

“The awardees may serve as an inspiration to other DRRMCs in Central Luzon for them to work harder,” aniya sa isang pahayag.

Nakatakdang idaos ang pagpaparangal sa mga nanalo sa darating na Hulyo kasabay ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month.

Awtomatiko namang nominado ang mga recipient ng 21st Regional Gawad Kalasag Award para sa national awards.

PNA