Derek, professional basketball player na

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

AKALA namin ay napikon si Derek Ramsay sa tanong na “whats funny?” sa follower niya sa Instagram (IG) na nag-comment ng, “Sorry nakakatawa po ” sa ipinost ng aktor na litrato niya habang naglalaro ng basketball.

Derek copy

Natawa na lang si Derek nang sumagot ang follower ng aktor na nakakatawa kasi ang expression ng mukha ni Derek habang naglalaro ng basketball. Hindi na lang kasi aktor si Derek, professional basketball player na rin siya.

“I love the game of basketball. Joining team Tanduay is an honor. I’ve always considered myself an athlete before an actor. I know there will be haters and people who will doubt me but that’s ok. This is a challenge that I’ve decided to take on. I hope to help the team in any possible way I can. #tibayngloob #tanduay #mpbl.”

Suportado ng kanyang mga kaibigan a t supporters ang d e s i s y o n n i Derek na maging pr o f e s s i ona l basketball player. May nagsabi pa ngang manonood sila ‘pag naglaro na ang Tanduay sa MPBL at may nag-comment pa na lilipat na siya ng team na itsi-cheer.

Magaling sa time management si Derek at ang manager niyang si Joji Dingcong, tiyak na hindi maaapektuhan ang taping ni Derek ng bagong primetime series ng GMA-7 na The Better Woman kasama si Andrea Torres.

Tuluy-tuloy ang taping nina Derek at Andrea dahil sabi ni Derek, sa July na ang airing ng The Better Woman sa direksyon ni Mark dela Cruz. Inaabangan na ang airing ng series para makita kung gaano kaseksi at ka-hot ang dalawa.

-Nitz Miralles