Paslit, pisak sa umatras na SUV s

Filed under Balita Archive, Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

CAMP MACABULOS, Tarlac City – Nasawi ang isang 3-anyos na lalaki nang maatrasan ng isang sports utility vehicle (SUV) na minamaneho ng tiyahin nito sa Barangay San Sebastian, Tarlac City, nitong Linggo ng umaga.

PISAK (21)

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Jecson’s Medical Center si Kean Andrei Salas, ng Phase 3, Sylvia St., ng nasabing lugar, dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan.

Kusa namang sumuko sa mga awtoridad ang driver ng SUV na si Revelyn Santiago Baxter, 42, may-asawa, ng nabanggit na lugar.

Naiulat ng pulisya na paalis na sana si Baxter at pinapaatras nito ang kanyang sasakyan nang maganap ang insidente, dakong 11:00 ng umaga.

Sinabi ng imbestigador na si Patrolman Michael Catubig, hindi napansin ni Baxter ang kanyang pamangkin na naglalaro sa likod ng kanyang sasakyan.

-Leandro Alborote