Sundalo, inambush ng BIFF, todas

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Patay ang isang sundalo nang pagbabarilin ng pinaniniwalaang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa isang pananambang sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao, kaninang umaga.

TINAMBANGAN dos-map-1

Sa report ni Lt. Col. Sabri Lakibul, hepe ng Datu Odin Sinsuat Police Station (DOSPS), nakilala ang napaslang na si Staff Sgt. Miranda Lumbatan, 45, miyembro ng Philippine Army (PA), at taga-Talitay, Maguindanao.

Sa imbestigasyon ng pulisya, galing umano sa pagsisimba ang biktima at pabalik na sana ito sa kanilang kampo nang tambangan ng mga hindi nakikilalang lalaki sa Sitio Daywan, Barangay Tanuel.

Dead on the spot si Lumbatan dahil sa mga tama ng bala sa  dibdib at balikat.

Kaugnay nito, naniniwala naman ang militar na kagagawan ng BIFF ang insidente.

-Fer Taboy