Arroceros Forest Park, Manila Zoo, iingatan

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Isa ang pangangalaga sa Arroceros Forest Park at sa Manila Zoo sa mga isasagawa ni Manila Mayor-elect Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso kapag nanungkulan na siya sa lungsod sa Hulyo.

Manila Mayor-elect Isko Morenoy 9,2019. (Albert Garcia)

Manila Mayor-elect Isko Morenoy 9,2019. (Albert Garcia)

Ito ang tiniyak ni Moreno kasunod ng balitang ipagbibili umano ang mga naturang pasyalan.

Depensa ni Moreno, wala siyang planong ipagbili ang Arroceros Park at sa halip ay plano pa nga niyang i-develop ito at muling buksan sa publiko.

Hindi rin, aniya, niya ibebenta ang Manila Zoo at nangakong tututukan ang sitwasyon ng mga hayop sa lugar, na napaulat na hindi napapakain nang mabuti.

Ginarantiyahan pa ni Moreno na maaalagaan at mapoprotektahan ang mga hayop na nasa Manila Zoo.

-Mary Ann Santiago