Eksena sa ‘The General’s Daughter’, patindi nang patindi

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

WALA talagang lihim na hindi nabubunyag, ‘yan ang tumatakbong kuwento ngayon ng The General’s Daughter dahil nalaman na nina Albert Martinez (Marcial) at Eula Valdez (Corazon) na si Angel Locsin (Rhian Bonifacio) ang nawawala nilang anak na si Arabella na kinuha ni Tirso Cruz III (Tiago) kapalit ng anak nila ni Janice de Belen (Amelia) na namatay.

Angel copy

Nabuking nina Albert at Eula na si Angel ang anak nila dahil sa teddy bear stuffed toy na iginuhit ni Arjo Atayde (Elai) dahil lagi raw itong napapanaginipan ng dalaga, kaya nang magkita-kita sila ay ikinuwento nila sa dalaga ang natuklasan at dito na tuluyang tumulo ang luha ng aktres sa nalamang lihim.

P e r o gayunpaman, pilit pa rin niyang tinatanong si Tirso kung ano ang totoo pero hindi pa rin umamin sa kanya ang nakilalang ama.

Pinapapatay ni Tirso si Albert kay Angel para hindi mabuo ang pamilya nila dahil nga ayaw niyang maging masaya ang tatlo. Hindi man aminin ng una ay mahal pa rin niya si Eula na unang babaeng minahal bukod kay Janice na selos na selos naman.

Masyadong intense ang eksenang ipinalabas nitong Miyerkules nang magkaharap-harap sina Tirso, Albert, Janice, Eula at Angel na kanya-kanyang nagtutukan ng baril. Hindi naman nahuli si Tirso dahil dumating ang asawa niya at iniligtas sila.

Gigil na gigil naman si Angel at akma niyang hahabulin ang sasakyan nina Tirso pero pinigilan siya ng kababata niyang si Paulo Avelino, na lingid sa kaalaman nila ay nakamasid ang tatay ng huli na si Art Acuna, at narinig nitong pinatakas ng anak niya ang dalaga.

Sa kabilang banda, nakabalik na si Arjo sa piling ng Nanang Isabel ngunit nahuli naman ng pangkat nina JC de Vera at Cholo Barretto.

Base sa trailer para sa episode nitong Huwebes, pinuntahan ni Angel si Tirso sa bahay nito para magharap sila at patayin na ang lalaking umagaw ng kanyang kinabukasan, pero dumating naman ang pangkat nina JC at Cholo.

Ang huhusay n g mga nagsisiganap, sobrang nakatutok ang mga sumusubaybay ng The General’s Daughter gabi-gabi dahil kanya-kanyang hulaan kung anong mangyayari kina Tirso at Janice. At siyempre, paano tatanggapin ngayon ni Ryza Cenon (Jessie) na buhay ang tunay na anak ng mga taong umampon sa kanya.

Isa ang The General’s Daughter sa mga show sa iWant na may maraming views bukod sa FPJ’s Ang Probinsyano na pati sa Netflix ay pasok na.

Kailan naman kaya bibilhin ng Netflix ang The General’s Daughter?

-Reggee Bonoan