Beermen, naghahanda na sa Commis Cup

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

PAGKATAPOS ng kanilang makasaysayang ikalimang sunod na Philippine Cup title, nakatuon na ang pansin ng San Miguel Beer sa paghahanda upang mabawi ang Commissioners Cup title.

NAGDIWANG ang San Miguel Beermen matapos malusutan ang Magnolia Hotshots sa Game 7, 72-71, para makamit ang ikalimang sunod na Philippine Cup title. (KEVIN ESPIRITU)

NAGDIWANG ang San Miguel Beermen matapos malusutan ang Magnolia Hotshots sa Game 7, 72-71, para makamit ang ikalimang sunod na Philippine Cup title. (KEVIN ESPIRITU)

Kaugnay nito, muling kinuha ng Beermen ang serbisyo ni American import Charles Rhodes para sa darating na second conference.

“I’ve always wanted to come back,” pahayag ni Rhodes na malaki ang naging bahagi sa kampeonato ng San Miguel sa midseason conference noong 2017. “It just feels like my second home.”

Ngunit, nabigong bumalik si Rhodes para sa Beermen noong isang taon dahil kinailangan niyang bumalik ng US para sa kanyang mag-ina.

Bigo naman ang pumalit sa kanyang si Renaldo Balkman na ipanalo ang Beermen sa finals kontra Barangay Ginebra sa loob ng anim na laban.

Nagpahayag naman si Rhodes ng excitement na makasama ang mga bagong players sa hanay ng San Miguel gaya nina Terrence Romeo at Christian Standhardinger.

Sinabi din ni Rhodes na magiging pinakamalaking motivation nya ang kabiguang matulungam ang San Miguel na maidepensa ang korona nila noong isang taon.

-Marivic Awitan