Spiker’s Turf, de kalidad na liga sa men’s volleyball

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

MASUSUKAT ang kahandaan ng Philippine men’s volleyball team na sasabak sa 30th Southeast Asian Games sa kanilang paglaban sa  Spikers’ Turf Reinforced Conference simula sa Mayo 19 sa Paco Arena.

IBINIDA ni Mossy Rivera (ikalawa mula sa kanan) ang format ng Spiker’s Turf na lalahukan ng 12 koponan sa pagbisita sa TOPS ‘Usapang Sports’ sa NPC. Kasama niyang dumalo sina national team players (mula sa kaliwa) Peter Torres at Rex Intal, gayundin si Cignal HD official Von Reinhart Gaa (dulong kanan).

IBINIDA ni Mossy Ravena (ikalawa mula sa kanan) ang format ng Spiker’s Turf na lalahukan ng 12 koponan sa pagbisita sa TOPS ‘Usapang Sports’ sa NPC. Kasama niyang dumalo sina national team players (mula sa kaliwa) Peter Torres at Rex Intal, gayundin si Cignal HD official Von Reinhart Gaa (dulong kanan).

Sa kabila ng limitasyon na hanggang elimination round lang ang bataan ni coach Dante Alinsunurin, umaasa ang mga miyembro ng National Team na magkakaroon sila ng sapat na kaalaman at exposure bilang kapalit sa kakulangan ng international tournament para sa kanilang paghahanda sa SEA Games na  nakatakda sa Nov. 30-Dec.11 sa Manila.

“The Spikers’ Turf is a perfect exposure for our national players. We’re looking forward to have them play in our league starting this weekend,” pahayag ni  Spikers’ Turf  tournament director Mozzy Ravena sa kanyang pagbisita sa 22nd “Usapang Sports”  ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) kahapon sa National Press Club sa Intramuros.

Ayon kay Ravena, ang pagsabak  ng National Team ay magbibigay ng karagdagang aksiyon at kilig sa manonood  at fans ng natatanging semi-pro men’s volleyball league sa bansa.

“We have more teams this conference – 12 teams to be exact. Mas masaya, mas exciting ngayon dahil kasama pa ang national team,” pahayag ni Ravena.

Kasama niyang dumalo sa lingguhang sports forum na suportado ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drink ni Mike Atayde, sina national team players Peter Torres at Rex Intal, gayundin si Cignal HD official Von Reinhart Gaa.

Nilinaw naman ni Ravena na lalaro ang National team member sa kanyang mother team kung makakaharap ang Nationals.

Inamin nina Torres at Intal na malaking bagay sa Nationals ang mapasama sa Spikerss Turf  para maihanda ang kanilang sarili sa SEA Games.

“Sa ngayon, wala kaming naka-scheduled na international tournaments na pwedeng salihan.But we will play in the Spirkers’ Turf as a team.”

“Iba pa din talaga yun men’s volleyball kumpara  sa womens volleyball. Expect intensity, power and speed in the Spikers’ Turf starting this Sunday,” ayon kay Torres.

“Mas exciting ngayon dahil lahat ng magagaling na players from the country magsasama-sama sa iisang team. Mas intense, mas facts-paced ang laban,” sambit naman ni Intal.

Bukod sa kanila, nasa PH team sina Alnakran Abdilla, Mark Alfafara, Bryan Bagunas, Kim Dayandante, Johnvic de Guzman, Joven dela Vega, Marck Espejo, Fauzi Ismail, Jack Kalingking, Jessie Lopez, Jeffrey Malabanan, Kim Malabunga, Rikko Marmeto, Ricky Marcos, Ish Polovorosa, Francis Saura, Jayvee Sumagaysay at Joshua Umandal.

Ayon kay Ravena, 12 koponan ang  kasama sa Spiker’s Turf.

 

-EDWIN ROLLON