PVL Reinforced tilt sa Mayo 26

Filed under Volleyball Balita RSS RSS Feed

MAAGANG sisimulan ng Creamline ang kanilang title defense sa 2019 Premiere Volleyball League (PVL) Reinforced Conference na magbubukas sa darating na Mayo 26 sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Naghahangad na maduplika ang naging matagumpay nilang kampanya noong nakalipas na taon, sisimulan ng Cool Smashers ang kanilang back-to-back championship bid sa pagsagupa nila sa PetroGazz ganap na 4:00 ng hapon para sa tampok na laro ng nakatakdang opening day double-header.

Matapos magpaalam ang dating coach na si Tai Bundit, kumuha ulit ang 2-time PVL champs ng foreign mentor, sa pagkakataing ito ay isa namang Chinese na di pa isinisiwalat ang pangalan.

Intact pa rin ang roster ng Creamline na pinangungunahan ng mga national team campaigners Alyssa Valdez, Jia Morado at Jema Galanza at mga beteranong sina Michele Gumabao, Mel Gohing, Fille Cainglet, Pau Soriano at Risa Sato.

Kabilang naman sa mga itinuturing na banta sa kanilang title retention bid ang Motolite na pamumunuan ni Myla Pablo at ang nakaraang taong semifinalist BanKo Perlas.

Nariyan din ang nagbabalik na BaliPure at ang baguhang Pacific Town Army na sya namang magtatapat sa unang laro ng season-opening, import-flavored conference hganap na 2:00 ng hapon.

-Marivic Awitan