PNP, AFP tatanggap ng dagdag-sahod

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Inaasahang matatanggap na ng mga sundalo at pulis ang kanilang inaasam na dagdag-suweldo.

DAGDAG-SUWELDO

Ito ang tiniyak ni Budget and Management (DBM) Officer in charge Janet Abuel, at sinabing inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang national budget No. 576 na nagsisilbing panuntunan para sa second tranche ng naturang karagdagang sahod.

Paliwanag ni Abuel, naipatupad na sana ito noong Enero pero naantala ito dahil sa pagkabinbin ng pagpasa sa 2019 national budget.

Gayunpaman, naka-retroactive naman ang naturang  dagdag sahod simula Enero 1, 2019, kaya wala umanong dapat na ipangamba.

-Beth Camia