PCU Dolphins, sinagpang ng NU Bulldogs

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

RATSADA ang National University Bulldogs sa third period tungo sa dominanteng 88-70 panalo kontra PCU Dolphins nitong Miyerkules sa 35th Fr. Martin’s Cup Summer League, sa pagtataguyod ng Resorts World Manila sa SGS Gym sa Quezon City.

Iniwan ng UAAP squad ang Dolphins, 25-8, sa third period tungo sa one-sided na panalo para sa 2-2 karta sa Group B. Bagsak ang Dolphins sa 1-4.

Nanguna sina Mansour Geno at Patrick Yu sa NU sa naiskor na 15 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Hataw naman si Yves Sazon sa PCU na may 27 puntos, tampok ang walong triples, habang kumasa si Chris Okoronkwo ng 14 puntos.

Sa women’s division, ginapi ng UST Tigresses ang Adamson Lady Falcons, 69-60, para manatiling malinis ang marka sa tatlong laro.

Apat na Tigresses ang umiskor ng double digits, sa pangunguna ni

center Grace Irebu na may 14 puntos. Kumasa sina Taki Tacatac at Eka Soriano ng tig-11 puntos, habang umiskor si Steph Villapando ng 10 puntos.

Nanguna si Nathalia Prado sa Adamson na may 18 puntos at kumikig si Noive Ornopia sa 15 puntos.

Sa Juniors B sa San Beda Gym, ginapi ng Adamson Baby Falcons ang San Beda Red Cubs Team B, 77-66, habang pinabagsak ng La Consolacion of Manila ang San Sebastian Golden Staglets, 87-79