Pagpalya ng VCMs, pinaiimbestigahan

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Pinaiimbestigahan ng isang senador sa Joint Congressional Oversight Committee on the Automated Election System ang mga napaulat na kaduda-dudang insidente ng pagpalya ng mga voters counting machine (VCM) nitong nakalipas na halalan.

VCMs

Iginiit ni Senator Win Gatchalian na sa ganitong paraan aniya ay maipapakita ang kredibilidad at integridad ng paggamit ng automated elections at magagawan naman ng paraan na maisaayos anumang pagkukulang o pagkakamali sa mga darating na halalan.

Ang tinutukoy ng senador ay ang hindi paggana ng mga VCM na nagresulta naman ng pagkaantala ng botohan sa mga lugar ng Pasig, Makati, San Juan, at ilang bahagi ng Cavite.

-Leonel M. Abasola