P12-M, nasamsam sa vote-buying — PNP

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Nasa P12 milyon ang nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) sa isinagawang anti-vote-buying operations sa nakaraang midterm elections sa bansa.

VOTE-BUYING

Ito ang lumabas sa rekord ng National Election Monitoring Action Center (NEMAC) sa Camp Crame.

Pagdidiin naman ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde, patunay ito kung gaano kalaki ang problema sa vote-buying sa bansa, nitong halalan.

Kabilang sa mga rehiyong nangunguna sa nakumpiskahan ng pera ang Region 13 o CARAGA region na halos walong milyong piso.

Sumunod ang Region 10, ang Northern Mindanao na P1.1 milyon, NCRPO na kalahating milyong piso, Bicol Region na P449,000  at Region 4A o Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon (CALABARZON) na aabot sa P400,000.

Aniya, kinasuhan na nila ang mga sangkot sa pagbili ng boto.

-Fer Taboy