Mag-ina, patay sa sumalpok na AUV

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Patay ang isang mag-ina habang nasa malubhang kalagayan ang limang iba pa matapos na sumalpok ang sinasakyan nilang Asian utility vehicle (AUV) sa isang tulay sa Burgos, Ilocos Norte, nitong Miyerkules.

MAG-INA

Sa report ng Burgos Municipal Police Station (BMPS), dead on the spot si Mary Grace Maderazo at ang 6-anyos na anak.

Huling naiulat na nasa kritikal na kondisyon ang limang iba pa, kabilang ang driver ng AUV na si Cesar Oaquera, dahil sa matinding pinsala sa kanilang katawan.

Sa ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap sa national highway ng nasabing bayan, kamakalawa ng hapon.

Pauwi na umano ang mga ito at binabagtas ang nasabing kalsada nang makaidlip umano ang driver kaya sumalpok ang minamaneho nito sa railing ng tulay.

Si Oaquera ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property.

-Fer Taboy