Katrabaho ni Nonie, pinipili ni Shamaine

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MAGDIRIWANG ng kanilang 29 years bilang mag-asawa sina Nonie at Shamaine Buencamino sa May 28,2019 at sa loob ng ilang taon ay hindi naman daw nag-away ng matindi ang dalawa, may mga tampuhan pero naayos din naman kaagad.

Sa pelikulang Sunshine Family unang nagkatrababo ang mag-asawa pero nagkasama na sila sa mga serye at stage plays.

Tanda ni Shamaine na sa stage play na Florante at Laura sila naging magka-relasyon ni Nonie.

Naikuwento kasi ng mag-asawa na may panahong seloso’t selosa sila noon sa mga nakakasama nila sa pelikula, at ayon kay Nonie, ay ayaw niya siyempre na may ibang kahalikan ang asawa niya.

Kuwento naman ni Shamaine, “nu’ng mga panahon na seloso’t selosa pa kami, sinasabi ko talaga sa kanya (Nonie), pero never naming pinigilan ang isa’t isa na magkaroon ng kissing scene, pero may pinipili lang ako na huwag do’n,” tumatawang sabi ng aktres. “Pero siyempre (hindi maiiwasan), kaya may shock pa rin ako.”

Dagdag pa, “Siyempre ‘di ba, ayaw mo rin na ang mahal mo sa buhay may ibang ka-tsuktsakan, nakaka-shock pa rin,” tawang-tawang sabi pa niya.

Naging palaisipan sa media/bloggers na dumalo sa presscon kung sino ang babaeng ayaw ni Shamaine na makasama ni Nonie.

Samantala, sa Seoul at Yangpyeong Country kinunan ang pelikulang Sunshine Family na idinirek ni Kim Tai Sik produced ng Spring Films at Film Line Pictures Productions LTD.

Posible kayang mapanood din ang pelikula sa Korea?

“Hindi po, sa Pilipinas lang,” ayon sa taga-Spring Films.

“May info ako (nakuha) na ‘yung co-actor naming Filipino na may ginagawang action movie, (at sabi ng) Filipino community doon ay napapanood nila,” say ni Shamaine.

Nabanggit naman ni Nonie na kung ipalalabas ito sa Korea, may sariling cut si Direk Kim, at ‘pag sa Pilipinas naman ay cut naman ni Direk Joyce Bernal ang mapapanood.

Anyway, mapapanood ang Sunshine Family sa Hunyo 5 nationwide at may premiere night ito sa Hunyo 4 sa Trinoma Cinema.

Kasama rin sa cast sina Sue Ramirez at Marco Masa.

-Reggee Bonoan