Kadete ng PNPA, tigok sa heat stroke

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Patay ang isang kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) habang siya ay sumasailalim sa New Cadet Summer Training Program sa Camp General Mariano Castañeda, Silang, Cavite, kahapon.

HEAT STROKE

Nakilala ang biktima na si Cadet 4th Class Al Rasheed Pendatun Macadato, 21, tubong Kalilangan, Bukidnon.

Binanggit ni PNPA-Public  Information Officer, Lt. Col. Byron Allatog, hinimatay si Macadato habang siya ay tumatakbo, kasama ang iba pang kadete, nitong Martes ng hapon.

Isinugod si Macadato sa Academy Heath Dispensary at inilipat sa Qualimed Hospital sa Sta. Rosa, Laguna.

Paglilinaw pa ni Allatog, binawian ng buhay si Macadato, dakong 6:05 ng umaga.

Idinagdag pa ni Allatog, si Macadato ay bahagi ng 285 na 4th Class Cadet na pumasok sa PNPA ngayong buwan at sila ay naka-10 araw pa lamang sa nabanggit na programa nang maganap ang insidente.

-Fer Taboy