Xian, ‘pinaarte’ ni Direk Sigrid

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

SAGLIT naming nakatsikahan si Direk Sigrid Andrea P. Bernardo sa premiere night ng pelikulang Kuwaresma nina Sharon Cuneta at John Arcilla, kasama ang magkapatid na Kent at Pam Gonzales, sa direksiyon ni Erik Matti, handog ng Reality Entertainment at Globe Studios.

Direk Sigrid copy

Biniro namin si mukhang hiyang yata siya sa Georgia dahil nagmukhang bata siya. Sa Georgia sila nag-shoot ng pelikulang Untrue, nina Xian Lim at Cristine Reyes.

Sinabi niyang hindi siya masyadong busy ngayon dahil ang Untrue lang ang project niya for now.

Nahinto kasi ang shooting ng Untrue, na ang target playdate ay sa Hunyo 12.

“’Di ba nakakaloka, hindi pa ako tapos mag-shoot may playdate na?” sambit niya sa amin.

May natitira pang isang shooting day ang Untrue.

“Hindi kasi mag-swak sa schedule ‘yung dalawa (Xian at Cristine), busy sila,” say ng direktora.

Hindi naman niya binanggit kung anu-ano pang eksena ang kukunan dito sa Pilipinas.

Samantala, bilib daw si Direk Sigrid kay Xian dahil talagang pinagbuti nito ang lahat sa pelikula, lalo na sa pag-arte.

“Ibang Xian ang mapapanood ninyo rito, maniwala ka!” sabi ni Direk Sigrid.

“Nakuha niya ‘yung gusto kong acting, talagang inarte niya. Ako pa?”

Tinanong namin kung nakailang take siya sa mga eksena ni Xian.

“’Wag mo na tanungin, basta mahusay si Xian dito, talagang (pinaarte) ko. Saka ‘di ba ang workshop sila,” kuwento ni Direk Sigrid.

Ang Untrue ay produced ng Viva Films at line produced ng IdeaFirst Company.

-REGGEE BONOAN