‘Twin Towers’, posibleng mabuo sa New Orleans

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

NEW ORLEANS (AP) – Kung magbabago ng desisyon si Anthony Davis, mabubuo ang dominanteng ‘Twin Towers’ sa New Orleans Pelicans.

DAVIS AT WILLIAMSON

DAVIS AT WILLIAMSON

Nabuo ang senaryo nang makuha ng Pelicans ang karapatan sa top pick para sa Rookie Draft sa Hunyo sa ginanap na draft lottery nitong Martes (Miyerkules sa Manila) sa Chicago. Inaasahang magpapa-draft ang collegiate star na 6-foot-11 na Zion Williamson.

Nakuha ng Memphis Grizzlies ang No.2 kasunod ang New York Knicks, Los Angeles Lakers, Cleveland Cavaliers at Phoenix Suns.

“I don’t believe the universe makes mistakes,” pahayag ni David Griffin, bagong New Orleans’ executive vice president of basketball operations. “I just think we have something special going on.”

Matatandaang tahasang ipinahayag ni Davis sa nakalipas na season ang kagustuhang ma-trade.

“This just jump-starts the process,” pahayag ni Griffin. “It’ll be harder for me to mess it up than it would have been before this.”