Mister, pinatay ng selosang misis

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Napatay ng isang misis ang kanyang asawa nang saksakin niya ito sa dibdib sa Barangay Calimaturod, Cordon, Isabela, kamakailan.

SELOS

Nakilala ng pulisya ang biktima na si Freddie de Guzman, magsasaka, ng Barangay Calimaturod, na dead on the spot dahil sa saksak sa katawan.

Nasa kustodiya na ng Cordon Municipal Police, ang suspek na kinilalang si Elena at nahaharap sa kasong kriminal.

Bago ang insidente, nag-away ang dalawa dahil umano sa pagseselos ng suspek.

Kumuha umano ng kutsilyo ang biktima ngunit naagaw ito ng ginang at aksidenteng naisaksak sa kanyang mister.

-Fer Taboy