Lovely, sinorpresa sa kanyang 50th birthday

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NAGDIWANG na ng kanyang 50th birthday ang isa sa lead cast ng Sahaya na si Lovely Rivero nitong May 11.

Lovely

It was a surprise golden celebration na inayos ng kanyang mga anak na sina Nadine Nocom at Nathan Nocom, sa kanyang ex-husband at dating movie producer ng Bongga Ka Day at Annie Batungbakal na si Nacy Nocom. Katulong nina Nadine at Nathan sa nasabing inihandang surprise golden celebration si Ala Domingo, na best friend ni Lovely.

Laking-gulat talaga ni Lovely nang pumasok siya sa Maria Luisa Secret Garden room ng Makati Garden Club at tumambad sa kanya ang isang birthday cake na hawak ni Ala, habang nakapaligid ang halos lahat ng kanyang mga kaanak at kaibigan in and outside showbiz, like Glenda Garcia, Maritess Gutierrez, Beth Mejia, Yours Truly, atbp., with matching background music na Happy Birthday song.

In pernes, dumating din ang kanyang ex-husband na si Nacy, kasama ang tatlong anak nito sa pangalawang asawa at tipong okay naman na sila ni Lovely, lalo na nang lapitan sila ng aktres with matching beso-beso.

What is past is past na at harapin na lang ang ngayon at bukas, ‘ika nga. Both naman kasi seems happy and contented na now sa kani-kanilang present love life, sa true lang.

“My heart is full. Thank you to Ala Domingo for making this wonderful, awesome surprise birthday party possible. To Nadine Nocom for making this happen through your hard work & preparation. To Nathan Nocom for conniving with them and doing your part to surprise me. Your efforts are truly appreciated and your love truly felt.

“Thank you to Angel Pe Awayan & Jo for the AVP. Thank you to Emeellee Coronel Lenore O. Yap, Don E Tobias, Appol Lanuza, Tina Ronquillo, and everyone else who were, in one way or the other, part of the preparation for this surprise 50th birthday party.

“To Gabrielle Ramos , Kean Peter Lao and Your band, Jo & the Holy Notes, for providing great music & livening up the party. To all those who came & to those who sent their well wishes, salamat po. ‘Di ko na kayo iisa-isahin, mahal na mahal ko kayo,” caption ni Lovely nang i-post niya ang ilang litrato sa nasabing surprise birthday party.

Tuwing MWF ang taping ni Lovely ng Sahaya bilang ina ng karakter ni Miguel Tanfelix, kaya naging swak lang ang nakaraang Sabado night para sa surprise 50th golden celebration niya.

Well, happy birthday pa more, Lovely, and wishing you all the best in and outside showbiz. Stay as sweet and humble as you are. Mwahh!

-MERCY LEJARDE