Bagunas, humakot ng parangal sa UAAP

Filed under Volleyball Balita RSS RSS Feed

APAT na individual awards kabilang na prestihiyosong Most Valuable Player ang nakatakdang matanggap ng graduating National University spiker na si Bryan Bagunas ngayong hapon bago ang Game 2 ng UAAP Season 81 men’s volleyball tournament.

Ang graduating open spiker ang unang manlalaro ng Bulldogs na nagwagi ng MVP award.

Bukod sa MVP si Bagunas din nagwagi bilang First Best Outside Spiker, Best Scorer at Best Server.

Ang kanyang mga kakamping sina Angelo Almendras at James Natividad ang nagwaging Rookie of the Year at Best Opposite Spiker ayon sa pagkakasunod.

Ang iba pang mga individual awardees ay sina Jude Garcia ng Far Eastern University bilang Second Best Outside Hitter, ang kanyang kakamping si JP Bugaoan at Chumason Njigha ng Ateneo bilang First at Second Best Middle Blocker, Lawrence Magadia ng Blue Eagles bilang Best Setter at kakampi nyang si

Manuel Sumanguid bilang Best Libero.

Gaya nila ay gagawaran din ng parangal ang mga top performers ng women’s division sa pangunguna nina Season MVP at Best Scorer Sisi Rondina at Best Open Spiker at Rookie of the Year Eya Laure kapwa ng University of Santo Tomas bago ang Game 2 ng finals series nila ng Ateneo.

-Marivic Awitan