FIVB Beach Volleyball World Tour Boracay Open

Filed under Volleyball Balita RSS RSS Feed

SA ikalawang sunod na taon, gaganapin sa bansa ang FIVB Beach Volleyball World Tour 1-star event sa Mayo 23-26 sa Boracay Island.

Inorganisa ng Beach Volleyball Republic, ang apat na araw na torneo ay lalahukan ng 20 koponan sa babae at 28 sa lalaki mula sa 17 bansa.

Pangungunahan ang Team Philippines ng tambalan nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons, gayundin nina Dij Rodriguez at Bea Tan, Jackie Estoquia at DM Demontaño, at Fiola Ceballos at Patty Orendain.

Ang ikalimang tandem nina Babylove Barbon at Gen Eslapor ay dadaan muna sa qualifying meet.

Bibida naman sa men’s team sina Air Force’s Ranran Abdilla at Jesse Lopez, kasama sina James Buytrago at Krung Arbasto, at Cebu’s Mike Abria at Jade Becaldo.

Ang tambalan nina Tan at Rodriguez ay nakapagwagi na ng tatlong BVR title.

Nakipagtambalan ang BVR sa Boracay Inter-Agency Task Force, municipality of Malay, at White House Beach Resort para mapalakas ang turismo sa lugar.

Naging host ang bansa sa international beach volleyball sa nakalipas– ang Beach World Tour and SM By The Bay.

Ang main draw sa women at men division ay sa May 24, habang ang quarterfinals ay sa May 25, habang ang semifinals at finals ay sa May 26.

Ilalarga ang qualifiers sa May 23.