‘Selfie with ipis’ challenge

Filed under Balitang Weirdo, Daigdig Balita RSS RSS Feed

Tinawag na “most disgusting internet challenge” ang viral ngayon na Cockroach Challenge, kung saan kinakailangang maglagay ng buhay na ipis sa mukha para makapag-selfie at ipo-post ito sa social media.

COCKROACH
Sinabi ng sources sa Oddity Central na nagsimula ang challenge nitong nakaraang buwan nang mag-post sa Facebook si Alex Aung, mula Myanmar, ng kanyang larawan kung saan makikita ang malaking ipis sa kanyang mukha at may caption na “New challenge, Can you do this?”.
Agad na nag-viral ang larawan na may 5,600 reaction na at 18,000 shares. Nagsimula na ring magbahagi ang mga social media user mula Myanmar, Philippines at Indonesia ng kanilang selfies kasama ng ipis na nasa kanilang mukha.
Karamihan naman sa sumubok sa Cockroach Challenge ay gumamit ng American cockroach, na kalimitang inaalagaan sa South-East-Asian countries.
Bagamat may ilang kumagat sa challenge, karamihan ng mga nakakita ng post ay nandiri at tinawag na ‘stupid’ ang challenge.