Magka-live-in, tigok sa granada

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Isang magka-live-in ang nasawi matapos na sumabog ang isang granada sa gitna ng kanilang pagtatalo sa kanilang bahay sa Barangay Cabahug, Cadiz City, Negros Occidental, nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni Cadiz City Police Chief, Maj. Robert Mansueto, ang dalawa na sina Boyet Celiz; at Leslie Prudente, 22 anyos.
Ayon kay Mansueto, nagtatalo ang dalawa dahil umano sa pagseselos ni Celiz.
Hawak, aniya, ni Celiz ang isang hand grenade habang nakikipagtalo kay Prudente.
Sianbi ni Mansueto na hindi napansin ni Celiz na natanggal na pala ang pin ng granada, kaya sumabog ito.
Dead on the spot si Celiz, habang binawian naman ng buhay sa ospital si Prudente, dahil sa mga tama ng shrapnel.
Matagal na aniyang binabantaan ni Celiz si Prudente tuwing nagtatalo ang dalawa.

Glazyl Masculino