Chicken nugget-flavored ice cream

Filed under Balitang Weirdo, Daigdig Balita RSS RSS Feed

Nagba-viral ngayon ang isang Irish ice cream company dahil sa paglalabas nito ng kakaibang flavor ng ice cream—chicken nuggets.

CHICKEN NUGGETS ICE CREAM
Inilabas ng XXI ICE, nakabase sa Dundalk, ang bago nitong chicken nugget-flavored ice cream.
Sa balita ng United Press International, makikita sa videong inilabas ng kumpanya ang ice cream na gawa sa piraso ng McDonald’s Chicken McNuggets na nakalahok sa vanilla ice cream at may ilang chicken nuggets din na ginamit na garnish.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-viral ang kumpanya dahil sa kakaibang ice cream flavour, dati nang naglabas ang XXI ICE ng Tayto cheese at onion ice cream flavor para sa St. Patrick’s Day.