Mayor Baldo, sumuko sa korte

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Sumuko ngayong Biyernes ng umaga si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo sa korte sa lalawigan, kaugnay ng pagpatay kay Ako Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe at security escort nito, noong Disyembre 2018.

Daraga Mayor Carlwyn Baldo

Daraga Mayor Carlwyn Baldo


Ayon kay Police Colonel Wilson Asueta, hepe ng Albay Police Provincial Office (PPO), si Baldo, na pangunahing suspek sa pagpatay kay Batocabe at sa security aide nitong si SPO4 Orlando Diaz, ay sumuko sa Legazpi Regional Trial Court (RTC) Branch 10, kaninang 8:30 ng umaga.
“At around 8:30 a.m. today (Biyernes), Mayor Baldo surrendered at RTC Branch 10 accompanied by his family and lawyer,” ayon kay Asueta.

Martin A. Sadongdong