Makatutulong ang survey, ngunit kailangan ang sariling desisyon ng botante

Filed under Editoryal Balita RSS RSS Feed

INILABAS ng dalawang kumakandito sa pagkaalkalde ng Maynila nitong Lunes ang resulta ng kanilang magkahiwalay na election survey, at kapwa iginigiit ng magkabilang kampo sa kanilang survey na sila ang nangunguna sa kampanya. Malalaman natin pagkatapos ng halalan sa Lunes, Mayo 13 kung alin sa dalawang survey ang tama. Sa ngayon, may kakayahan ang dalawang kandidato na igiit ang kanilang sinasabi, base sa desisyon ng Korte Suprema, na ang anumang uri ng pre-election survey ay protektado ng Konstitusyon sa ilalim ng kalayaan sa pagpapahayag o freedom of expression.

Regular na inilalabas ng mga kandidato ang mga pre-election survey, lalo na sa mga kumakandidato sa pagkasenador. Lima hanggang pitong pangalan ang regular na lumalabas bilang nangunguna sa iba’t ibang listahan na inilabas nitong mga nakaraang buwan, ngunit ang sumunod na lima hanggang pitong pangalan ay patuloy na nagbabago.

Mauunawaan natin ang hirap na hinaharap ng mga tagapag-survey na kumukuha ng sample na 1800 respondents na kanilang kakapanayamin, sa pag-asang ang 1,800 na ito ay naglalarawan sa opinyon ng 60 milyon o higit pang bilang ng mga botante na may pagkakataong bumoto sa araw ng halalan. Marami nang beses sa nakalipas, na ang lumalabas na nagwawagi ay ang inakalang matatalo.

Bukod sa mga suliranin na lumalabas mula sa problemang idinulot ng mga survey, may iba pang salik na maaaring makapagabago sa resulta ng halalan—karahasan sa halalan, vote-buying, biglaang kaganapan, masama man o mabuti. Maaari itong magdulot ng pagbabago o kalituhan kahit pa sa pinakasiyentipikong prediksyon na isinagawa ng mga ekperto sa survey.

Kaya naman, pinakamainam pa rin na gumawa ng sariling desisyon ang mga botante, base sa kanilang sariling pagtataya ng kakayahan at katangian ng mga kandidato, ang track record ng mga napagtagumpayan nito, ang katatagan sa posisyong nais nilang paglingkuran, pag-eendorso ng mga mapagkakatiwalaang samahan, at ang prinsipyo na nais makita ng botante, tulad ang pangangailangan para sa isang malaya at nagsasariling Senado.

Ang resulta ng mga survey ay dapat lamang maging dagdag na impormasyon upang matulungan ang mga botante sa pagdedesisyon. Kapag ang resulta ng survey ay nagkakatalo sa isa’t isa, na iginigiit ng dalawang magkalabang kandidato sa pagka-mayor, pinakamainam na isantabi na lamang ito.

  • emerson alonzo

    tama naman,nasa tao parin nakasalalay kung sino ang kanilang iboboto.

  • Dexter alindog

    dapat lang na maging wais ang mga botante ngayon,hindi naman mahalaga ang survey na yan.

  • cindy concepcion

    ang iboboto namin ay yung hindi kami kaya pagnakawan tulad ni Erap kaya gusto namin ay bago naman ang mamuno, Isko lang kami!!!

  • Janice ursula

    yung magagawa ng tao ang isipin natin,hindi yung magbabase lang tayo sa survey.

  • baste dela cruz

    hindi mahalaga ang survey lalo na kung dinadaya naman, nasa tao ang desisyon at para sa akin panahon na para iboto ang tamang tao at alisin ang panggulo sa Maynila, No to Erap.

  • marie car

    marunong naman kumilatis ang mga tao ng iboboto, nakita naman nila na hindi maganda mamuno si Erap kaya wag iboto yan. Team Isko lang

  • Cecil Larina

    maging matalinong botante sa panahong ito,dahil hindi natin alam kung ano ang kaya nilang gawin pagkatapos natin silang maiboto.

  • melody vargas

    sus hindi mahalaga ang survey ang mahalaga ay yung kayang gawin bilang lider. tulad ni Kuya Isko siguradong madaming magagawa yan, di tulad ni Erap puro kupit ang ginagawa

  • Joice Samonte

    suriing mabuti kung magiging karapatdapat lang ang ating pipiliin,hindi yung puro lang pangako,

  • ana cruz

    dun kami sa lider na totoong makakapagpabago sa Maynila at hindi yung lalong makakapagpasira ng Maynila.

  • pammy

    oo nga mga tao parin ang mag dedisisyon at dun lang kami sa totoong maaasahan at hindi korap tulad ni Erap.

  • a_ron

    pwede naman dayain ang survey tulad ng pang dadaya na ginagawa ni erap,dyan naman kasi sya magaling.

  • aLEX santos

    kay sir isko lang ako kahit anong mang yari dahil iniisip nya ang kapakanan ng mga taga maynila at hindi puro sarili.

  • Jeffrey James Kobayashi

    sawa na kami sa puro pangako,kailangan namin ng mayor na mapag kakatiwalaan at si mayor isko lang yun.

  • Sgt. Isko

    andito kami para ipag tanggol ang tama at sumuporta sa tamang tao,tama na sa mga panglolokong ginagawa ng erap na yan!

  • Joyce Hilario

    susuportahan namin kung sinong nararapat at para samin ay si sir isko lang yun hindi si erap dahil puro pangako lang naman yan

  • thelma abot

    sir isko ang karapat dapat na maging mayor ng manila dahil sya ang nakikinig sa sigaw ng taong bayan

  • Hazel Bautista

    tama na ang pagpapauto kay erap dahil kung patuloy natin syang susuportahan eh baka lalong maghirap ang ating mga kababayan dun na tayo sa totoo at tapat sa taong bayan

  • Andrea Lopez

    hindi ako magsasawang suportahan ka sir isko sa gaya mo magkakaron ng panibagong buhay ang manila hindi gaya ngayon na si erap ang mayor wala

  • Evelyn Santos

    magtiwala naman sana tayo dun sa totoong may malasakit sa atin at hindi sa kagaya ni erap na puro pagnanakaw lang ang ginagawa

  • Sheena amor

    ikaw lang ang susuportahan sir isko marami kang mas magagawa kesa kay erap na wala nga nga

  • Tony Acacio

    isko moreno para sa tunay na pagbabago wag na tayo jan kay erap wala namang ibang ginawa yan kundi ang magbitaw ng pangako na hindi naman natutupad

  • Dan Flores

    isko isko isko mayor ng manila , hindi erap dahil lalong naghihirap ang tao

  • Anthony Bariata

    wala naman na tayong mapapala jan kay erap kaya sana suportahan na lang natin yung alam natin na makakatulong sa taong bayan

  • edsel ruiz

    nagtitiwala ako na magiging maayos ang manila kapag si sir isko ang naging mayor nito

  • Francis Rosal

    kung ako saiyo erap manahimik ka nalang mabuti pa itong si isko napakbuting tao!

  • Donita Myth

    kung ako saiyo erap manahimik ka nalang wala ka naman na alam pinapahiya mo lang sarili mo

  • Jaikah ludovice

    panigurado ako na si erap ngbabayd na para dayain ang botohan!

  • Celine

    wag kana umasa erap na mananalo ka dahil hindi ka na magwawagi sa oras na ito!

  • Unice_cute

    hidni dapt manalo si erap dahil isa siyang malaking korap!