Leyte municipal admin, binistay

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

TACLOBAN City – Patay ang municipal administrator ng San Isidro, Leyte habang sugatan ang tatlong iba pa nang paulanan ng bala ang bahay ni Mayor Susan Ang, ngayong Miyerkules.

LEYTE_ONLINE

Ang nasawi na si Levi Mabini, 44, ng Barangay Daja Diot, San Isidro, Leyte, ay pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang mga suspek, na sakay sa gray Ford Ranger sa Bgy. Capiñahan sa nasabing bayan, bandang 7:30 ng umaga.

Ayon kay Zendy Bonite, assistant ng San Isidro Mayor Susan Ang, kadarating lang ng biktima sakay sa motorsiklo nang sumulpot ang mga armado at pinaulanan ng bala ang biktima sa isang gasolinahan sa tapat ng bahay ng alkalde.

Idinagdag niya na dalawang sales ladies at isang helper ng hardware ay pawang sugatan.

Nagsasagawa ng dragnet operation ang San Isidro Police.

-Marie Tonette Marticio