San Jose Chess Festival Team tourney

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

ANG pinaka-aabangan na 2019 Pistang Parangal Kay San Jose Chess Festival Team Tournament ay susulong sa Abril 28 na gaganapin sa San Jose Municipal Gymnasium sa San Jose, Occidental, Mindoro.

Ito ang ipinaalam ni top Mindoro chess organizer at banker Emmanuel Bandelaria Asi sa pakikipagtulungan ni Renato Gatus.

Ayon Kay G. Asi ang mga kategorya na paglalabanan ay ang Open division (average rating 1950, 4×4 Team tournament) at elementary division (13 years old and below).

Iginiit pa ni G. Asi na ang cash prizes na naghihintay sa one-day 4×4 National Chess Federation of the Philippines sanctioned team tournament ay punong abala sina Vice Governor Peter Alfaro at Councilor Myrna Zapanta.

Nakalaan sa Open division (average rating 1950, 4×4 team tournament) ay ang P30,000 plus trophy habang ang next four finishers ay tatangap ng tig P20,000, P10,000, P5,000 at P3,000, ayon sa pagkakasunod. Habang ang sixth hanggang 10th placers ay tatangap ng tig P1,000.

Ang magkakampeon naman sa elementary division (13 years old and below) ay mag-uuwi ng P3,000 habang ang runner-up ay maisusubi ang P2,000, ang third placers ay mag-uuwi ng P1,000, ang fourth placers ay magbubulsa ng P500 at ang fifth placers ay tatangap ng P300.

Hindi naman uuwing luhaan ang 6th hanggang 10th placers na may tig P100.

Kabilang sa mga naunang nagpatala sa 15 minutes with 5 seconds delay, 7 Rounds Swiss System format ay ang Mamburao Team, Occidental Heroes, Calapan A, Calapan B, OMSC – Men, OMSC – Women, Magsaysay, Team Batang 90s, PRISAA Team, Cavite Chess Expert League 1, Cavite Chess Expert League 2, SSS, Ipca Chess – Iloilo, Aklan, Oldies but Goodies at Batangas City Chess Club.

Mag call o sa text mobile numbers na 0998-844-6614, 0946-141-3300 at 0912-051-7779 para sa dagdag detalye.