Paolo kay Bitoy: Parang ‘di siya first time director

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

SI Paolo Contis ang artistang hindi tumatanggi sa kahit anong role na ibigay sa kanya.

Paolo at Summer

Pero madalas nga na kontrabida ang role na ginagampanan niya, tulad ng napakasamang role na ginagampanan niya ngayon sa Hiram Na Anak. Sa nasabing serye, ginagamit niya ang anak niya para makuha ang pera nito at magbuhay-mayaman sila ng kabit niyang ginagampanan naman ni Lauren Young.

“Pero ang saya ko and thankful nang i-cast ako sa upcoming film ng GMA Pictures at Mic Test Entertainment, Inc., ang Family History,” sabi ni Paolo.

“I will play the role of Rommel, ang supportive at best friend ni Michael V. At masaya rin ako dahil hindi lamang GMA Pictures ang producer ng movie, kundi sina Bitoy at wife niyang si Carol Bunagan, ang may-ari ng Mic Test Entertainment.

“Nakita ko na very organized ‘yung buong team. Kinausap muna kaming lahat ni Bitoy bago mag-start ang shooting para ipaliwanag ang buong pelikula na siya rin ang sumulat at magdidirek.

“Parang hindi siya first time director. Sa dami ng nakakatrabaho niya and very close to him, masaya ako na I was handpicked to be his best friend sa movie. Very inspired ako na mas pagandahin p a y u n g character, I’m very thankful.”

Makakasama rin ni Paolo sa movie ang leading lady ni Bitoy, si Dawn Zulueta at ang magka-love team na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix at marami pang iba. Malapit na itong mapanood in cinemas nationwide.

Samantala, hands on daddy rin si Paolo sa baby girl nila ni LJ Reyes, si Summer. Bago raw siya pumunta sa work, madalas ay nagsu-swimming sila ni Summer.

Every Monday din ay nagte-taping si Paolo ng long-running gag show na Bubble Gang, kung saan magkasama rin sila ni Bitoy.

-Nora V. Calderon