P1B multa sa Manila Water

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Pinagmulta ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ng mahigit P1 bilyon ang Manila Water kaugnay ng nangyaring krisis sa tubig sa Metro Manila at Rizal.

(kuha ni ali vicoy)

(kuha ni ali vicoy)

Ito ang ipinarating kahapon ni MWSS administrator Reynaldo Velasco kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nabatid na agad pinag-aralan ni Pangulong Duterte ang ulat ng MWSS hinggil sa water crisis.

Ayon kay Velasco, pinatawan ng MWSS ang Manila Water ng P1.134 bilyon sanction — P534 milyon ang multa at P600 milyon ang pondo sa bagong water source.

Ang multang ipinataw ay bunga ng paglabag umano ng Manila Water sa Article 10.4 of Concession Agreement, matapos na mabigong gampanan ang 24/7 water supply.

“The water shortage was an eye-opener, and sad to say, the new MWSS Board inherited this lingering problem having assumed office only in February 2017. We are on a catch up,” saad ni Velasco.

-Jun Fabon