P1.7-M shabu, nasabat sa Bulacan

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

CAMP GENERAL ALEJO SANTOS, Bulacan – Aabot sa P1.7 milyong halaga ng iligal na droga ang nasabat sa dalawang drug pusher sa isinagawang buy-bust operation sa Baliuag, Bulacan, nitong Martes ng madaling araw.

SHABU

Ang nasabing drog ay nasamsam ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Baliuag Municipal Police Station, sa dalawang suspek na sina Rodel De Guzman Cunanan, 39, may-asawa, ng 381 Purok 3, Brgy. Piel, at Edilberto Miranda Perigrina Jr., 31, may-asawa, ng 337 Sampaguita Street, Bgy. Sulivan, sa nabanggit na bayan.

Ayon kay Bulacan Police director, Col. Chito Bersaluna, ang dalawa ay inaresto matapos nilang bentahan ng ilang sachet ng illegal drugs ang isang police poseur buyer.

Aabot sa 250 gramo ng pinaghihinalaang shabu na tinatayang aabot sa P.17 milyon, isang timbangan, at buy-bust money ang narekober sa dalawa.

Inihahanda na ng pulisya ang kaso laban sa dalawa na nasa kustodiya na ng pulisya.

-Freddie C. Velez