Gobernador, kinasuhan sa overpriced project

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Ipinagharap ng kasong graft sa Office of the Ombudsman si Pangasinan Governor Amado Espino III, dahil sa umano’y overprice na pagpapatayo ng oval track at event staging area sa Alaminos City National High School.

OMBUDSMAN

Ang nasabing proyekto ay para sa 2018 Region 1 Athletic Association (R1AA) Meet na ginastusan umano ni Espino ng P13 milyon.

Gayunman, kinuwestiyon ito ng complainant na si Michelle Anne Celino na nagsabing overprice ang proyekto nang hindi ito umakma sa isinagawang trabaho.

Aabot sa P5 milyon ang naiulat na ginastos ng provincial government sa pagpapagawa ng dalawang bleacher at stage na kinontra ni Celino na nagsabing nagkakahalaga lamang ito ng P1,241,006.81 batay na rin sa cost estimate ng City Engineer ng Province of Pangasinan.

Aabot din ng P8 milyon ang ginastos sa pagpapatambak ng lupa at pagpapaaspalto ng oval track ngunit ayon kay Celino ay “too excessive” ito at pinagkakitaan lamang ang pamahalaan sa proyekto.

-Czarina Nicole Ong Ki