Drug suspect, tumimbuwang sa sagupaan

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

MAYANTOC, Tarlac – Bumulagta ang isang pinaghihinalaang tulak ng ipinagbabawal na gamot nang makipagbarilan umano sa pulisya sa buy-bust operation sa Provincial Road, Purok 6, Barangay Bigbiga, Mayantoc, Tarlac, nitong Martes ng madaling araw.

SAGUPAAN

Sa report na natanggap ni Col. Jesus Atchico Rebua, nakilala ang suspek na si Virgilio Leonardo, alyas “Benjie”, 55, ng Bgy. Cut-Cut 2nd, Capas, Tarlac, na dead on the spot dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nakahalata umano si Virgilio na isang pulis ang katransaksyon nito kaya binunot nito ang kanyang baril at ipinutok sa grupo ng mga pulis.

Napatay ang suspek nang makipagbarilan sa kanya ang mga awtoridad. Leandro Alborote