Caloocan cop, nabaril ng live-in partner

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Nahaharap sa frustrated homicide ang isang babae nang aksidente umanong mabaril ang ka-live-in partner na pulis sa Quezon City.

CALOOCAN COP

Kinilala ang suspek na si Angeline Flora, 27, ng Barangay Pasong Putik, Quezon City.

Naghihimas ng rehas si Flora sa Fairview Police Station (PS5) nang aksidente umanong mabaril si Patrolman (Pat) Wilson Pepito, 34, ng Caloocan Police.

Sa imbestigasyon, nag-iinuman sina Flora at Pepito, kasama ang isang Janet Makahilig, sa kanilang bahay nang magtalo, bandang 5:30 ng hapon, nitong Martes.

Sa gitna ng pagtatalo, kinuha umano ni Flora ang service firearm ng pulis sa kuwarto, at nag–agawan.

Pumutok ang baril at tinamaan sa binti ang pulis, at nadaplisan naman si Makahilig.

Isinugod si Pepito si Tala Hospital sa Caloocan City, patuloy na nagpapagaling.

Kusa namang sumuko si Angeline sa Fairview Police.

-JUN FABON