10 bahay, natupok sa Bacolod

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Naabo ang 10 bahay nang lamunin ng apoy nang mahigit kalahating oras sa Purok Mars, Barangay Singcang-Airport, Bacolod City, nitong Martes ng hapon.

FIRE

Sa report ni Chief Insp. Publio Doctora Ploteña, hepe ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Bacolod, nag-umpisa ang apoy sa bahay ng isang Gina Reyes, na inuupahan ng isang JR na wala sa lugar nang maganap ang insidente, bandang 4:51 ng hapon.

Walang iniulat na nasawi sa sunog, na naapula sa ganap na 5:25 ng hapon, ayon sa arson investigator.

Posibleng faulty electrical wiring ang sanhi ng sunog at abot sa P180,000 ang halaga ng natupok.

-Glazyl Masculino