Nag-brownout ba sa lugar n’yo?

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Ilang lugar sa Metro Manila, Cavite, at Laguna ang naapektuhan ng rotational brownout na ipinatupad ng Meralco ngayong Martes, dahil sa kakulangan ng supply ng kuryente.

BROWNOUT

Ayon sa Meralco, kabilang sa mga lugar na nawalan ng kuryente ang Almanza I, Almanza II, BF Homes, at Tindig Mangga sa Las Piñas City; Poblacion sa Makati City; at Sampaloc, Sta. Ana, at Sta. Mesa sa Maynila.

Dumanas rin ng rotational brownout ang Addition Hills, Bagong Silang, Barangka Drive, Barangka Ibaba, Barangka Ilaya, Barangka Itaas, Buayang Bato, Burol, Daang Bakal, Hagdang Bato Itaas, Hagdang Bato Libis, Harapin Ang Bukas, Highway Hills, Hulo, Mabini-J. Rizal, Malamig, Mauway, New Zaniga, Old Zaniga, Pag-Asa, Plainview, Pleasant Hills, Poblacion, San Jose, Vergara, at Wack-Wack Greenhills East sa Mandaluyong.

Apektado rin ang Alabang, Bayanan, Buli, Cupang, New Alabang Village, Poblacion, Putatan, Sucat, at Tunasan sa Muntinlupa City; Baclaran at BF Homes sa Parañaque City; Kapitolyo at San Antonio sa Pasig City; at Don Manuel, Doña Aurora, Doña Josefa, Kalusugan, Lourdes, Mariana/Damayan Lagi, Sta. Teresita, Sto. Domingo (Matalahib), Tatalon, at Valencia, sa Quezon City.

Nagpatupad din ng rotational brownout sa Addition Hills, Balong-Bato, Batis, Corazon De Jesus, Ermitaño, Greenhills, Isabelita, Kabayanan, Little Baguio, Maytunas, Onse, Pasadeña, Pedro Cruz, Salapan, Sta. Lucia, at Tibagan sa San Juan City.

Maging ang Bacoor-Molino VII at Dasmariñas City-Salawag sa Cavite at San Pedro-Cuyab, Landayan, Nueva, San Antonio, San Pedro, San Vicente, at Sto. Niño sa Laguna ay apektado rin ng power shortage.

Nabatid na tumagal ng may isang oras ang rotational brownout, na ipinatupad sa pagitan ng 1:00 ng hapon hanggang 2:00 ng hapon.

 

-Mary Ann Santiago