7 bahay, naabo sa sigarilyo

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Upos ng sigarilyo sa basurahan ang sinasabing pinagmulan ng apoy na tumupok sa pitong tahanan sa Malate, Manila, nitong Lunes ng gabi.

SUNOG_ONLINE

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Malate Police Station 9 (PS-9), sumiklab ang apoy sa Kalayaan Street sa Leveriza, Malate, at nilamon ang mga bahay na pawang gawa sa light materials, dakong 8:45 ng gabi.

Ayon kay Fire Insp. Lowie Puno, ng Intramuros Fire Station, nahirapan silang apulahin ang apoy dahil masikip ang daan sa lugar.

Pagsapit ng 11:18 ng gabi, naapula ang apoy at walang iniulat na nasugatan sa insidente.

Aabot sa P60,000 ang halaga ng mga natupok.

-Mary Ann Santiago