LRT, MRT, bibiyahe na bukas

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Magbabalik na bukas sa normal ang biyahe ng LRT at MRT.

TRAINS

Matapos ang ilang araw na taunang maintenance shutdown, balik-biyahe na bukas, Abril 22, ang Light Rail Transit (LRT) Lines 1 at 2 at ang Metro Rail Transit (MRT)-Line 3.

Ang LRT 1 at 2 ay parehong hindi bumiyahe simula nitong Huwebes Santo hanggang kahapon, Linggo ng Pagkabuhay, habang mas maaga namang nagpatupad ng annual maintenance shutdown ang MRT, na tigil-biyahe simula Lunes Santo hanggang kahapon.

Layunin ng pansamantalang tigil-biyahe na kumpunihin at ayusin ang mga problema at sira ng tatlong mass railway system.

-Mary Ann Santiago